Saturday, February 27, 2010

Is This the LOVE...






As-Salāmu `Alaykum sa mga kababayan kong Sablayeño, kamusta medyo nawala ako ng ilang araw dahil ako ay bumisita sa aking kamag-anak sa Silanganing Mindoro, maganda ang biyahe at maganda ang naging pagkikita ng mga kaanak sa nasabing lalawigan. May nakasakayan ako na taga Maynila at sila ay bumiyahe iikot mula sa Oriental Mindoro papuntang Occidental Mindoro. Naulinigan ko nag-uusap sila ganito ang wika “masarap pala magbiyahe dito sa Mindoro lalo na sa Oriental dahil maganda ang daan, sa mga tao doon dapat iboto nila ulit mga kongresista nila at hindi nagpabaya na maisaayos ang kanilang daan”. Wow naman puring-puri nila ang mga deputado sa Oriental, habang naglalakbay ang bus papuntang Abra de Ilog, dito kaya sa Occidental maganda rin ang daan. Habang bumabiyahe kami galing San Jose sabi nila, “ mukhang maganda na rin ang kalsada at sementado at tingnan mo bro mukhang nagmamalake ang kanilang Congresswoman Villarosa daming karatula ganda, mgakano kaya nagastos diyan parang bakal pa ata kada isang daang metro may karatula”. Hehehe…sa loob loob ko patalastas lang ang haba ng kalsada maya maya maaksiyon na. Ang karatulang nababangit ung may nakalagay na mukha ni PGMA at Deputy Speaker Ma. Amelita “Girlie” Villarosa, “This is a Priority Project & Initiative of Congresswoman Girlie Villarosa, sa baba ata nakalagay Implementing Agency DPWH. At ito ang kuwento ng mga biyahero, pag lampas sa bayan ng Rizal at Calintaan, ang wika ng isa “siguro hindi pa natatapos ang proyekto baka magaya na rin ang Oriental”. Nagkakamali kayo, sa loob-loob ko, sa haba ng hindi nasementong daan at lubak lubak na mga parte ganito ang wika ng isang biyahero… “put…ina… kagaganda ng karatula ganito pala ang daan dito walang sinabi sa Oriental…dapat isinusumpa na ng mga tao kung sino man ang Kongresista sa Lalawigang ito...puro karatula…kanya din ba pagawa mga sirang kalsad?... Hehehe…ganun na nga… dumating kami banda sa may Mompong Bridge at sa Barucan…ang wika ng isa at medyo malakas ang boses… “kayong mga taga-Occidental Mindoro matauhan kayo…isumapa ninyo kung sino man ang Congressman ninyo puro karatula wala namang kalsada…” Hay karapatan niya siguro magsalita ng ganun…hehehe sa hirap ba naman ng dinanas niya sa daan ng Occidental Mindoro para siyang bingo ball na inaalog-alog sa bote…Una akong bumaba sa kanila… hindi ko na narinig ang kanilang pagmumura at panlalait hindi sa ating kalsada kundi sa ating nagmamahal na Congresswoman Ma. Amelita Girlie Villarosa. Naisip ko…oo nga anu noong minsan bumisita siya sa Sablayan narining ko nangako si Cong. Girlie Villarosa… na sa darating na 2010 tapos na ang pagawaing kalsada sa buong Lalawigan, ang huling dinig ko siya rin ang nagsabi na nairelease na ang pondo…ah ewan kasi padamihan naman sila ng karatula ni Gov. Nene Sato. Ang alam ko ang pinag-umpisahan ng Mindoro West Coast Road ay sa panunungkulan ni Gov, Nene kasi siya ang nakalagda don sa proyekto…Ganun pa man naisip ko bakit nga dito sa Mindoro ang hirap maisaayos ang kalsada, pahirap sa mamamayan, pahirap sa bayan, pero kung tutuusin sino ba si Congresswoman Villarosa, malakas ang kapit sa Presidente GMA, siya pa ang Deputy Speaker ng Congress at lagging kasam sa country hopping…how come…in fairness madami naman siyang ipinagawa pero pag priority dapat unahin ang kalsada. Election na naman, parang dahil sa hirap na dinaranas ko pag bumabiyahe parang gusto ko ng maghanap ng alternatibong kandidato, ung hindi mangangako, ung gagagwin ang kalsada un na isi-shade ko sa bilog na hugis itlog…awww...


Oo nga pala si Congreswoman Ma. Amelita 'Girlie' Villarosa ay nakasakay sa kanyang 8,000 pisosisoses na chopper walang lubak at alikabok sa kalawakan...kung land travel mayroong luxury car...keber hindi sementado daan...awww...pictures speaks lounder than words...


Tuesday, August 25, 2009

http://workinggrouponmininginthephilippines.blogspot.com/